Miss Aruba: teka, i read ur post. anong ginawa sa iyo ng immigration people?
kawadjan: pinagpasa-pasahan ako ng mga taga immigration. they gang raped my puri! mga hayop sila... hayuuuuuuupppp... huhuhuhu
Miss Aruba: hay, i hope nag condom sila ha
kawadjan: kase nga ayokong kumuha nung sa POEA chervalu. so derecho lang ako sa immigration. i thought kase kung sa inter-govt org ka eh di na kailangan ng POEA, like i only need to pay the travel tax.
Miss Aruba: honey, di rin ako dumadaan sa POEA chorva. i always tell them, I DONT LIKE POEA
kawadjan: so confused ang immigration when i told them i work for an IGO. hinahanapan pa ako ng kung anek anek na ID. wala kaming ID, di namin cultura ang mag ID coz we trust the people in the office. so pina-go pa ako sa OWWA, na may office sa labas ng airport.
Miss Aruba: josme
kawadjan: tapos pagpunta doon yung humarap sa akin eh same questions na naman. i told them i have an official/diplomatic visa in thailand, i dont need OWWA. i can take care of my own WELFARE.
Miss Aruba: u have a thai visa! anong problema nila!
Miss Aruba: my gawd, sana tinalakan mo sila. i hope tinalakan mo sila!
Miss Aruba: (i hope naka couture ka ha while all these things were happening)
kawadjan: kawadjan: i was wearing a jersey shirt. choz. di na, nagtimpi na lang ako.
Miss Aruba: ok, fine, keri na ang fashion mo that day
kawadjan: tapos tumawag pa sa kanyang supervisor ang tao sa OWWA. mega deliberate sila sa aking case. as in clueless si manong na nasa front desk.
kawadjan: habang may isang empleyado having lunch doon sa desk. he is eating tinolang isda na sinabao nya sa rice. ang langsa!!! like, you should not eat in front of clients, di ba? we know that. ditto for the airport in surigao, may kumakain ng piniritong isda sa may x-ray machine.
kawadjan: tapos in the end sabi ng tao sa OWWA eh i just need to pay the travel tax and no need to apply for OFW ID.
Miss Aruba: abosulutely!
kawadjan: tapos di ko mahanap-hanap ang punyetang desk where i pay the travel tax. kase naman nilagay sa likod.
Miss Aruba: hehe yes nasa likod sila. para silang factory dun. assembly line.
kawadjan: imagine, when i paid the travel tax, apat na tao ang kailangang mag process ng payment ko. isa ang tatanggap ng passport at gagawa ng resibo. isa ang mag staple ng resibo. tapos lipat ka na naman ng table para isulat ng ang receipt number mo, tapos may ibang tatanggap ng pera mo. as in apat na tao.
Miss Aruba: e kasi, grabe ang labour surplus natin. kaya yan, college graduate na may MA on public ad ang tiga stapler.
kawadjan: tapos ang kapal ng mga tao sa NAIA ha, they ask you to pay P750 airport tax eh kala mo naman kung anong 5-star hotel ang airport nila. kahit nga banyo di nila eh ang dumi.
kawadjan: and could you imagine, dito na lang yata sa pinas ang nagpapatanggal ng sapatos.
Miss Aruba: hmm sa s US din, they do that.
kawadjan: eh ang US may serious threat of terrorism, tayo wala.
kawadjan: nakakainis pa sa airport, ang daming guard, ang daming empleyado na may ID, tapos wala namang ginagawa. nakakalat lang sila. sa may pinto ng CR eh parang may guard pa.
Miss Aruba: walang urbanidad ang airport natin
kawadjan: sinabi mo
kawadjan: tapos pagpasok mo lang ng wing to the gates eh may magche-check pa ng boarding pass mo! ano ba yan.
Miss Aruba: ang OA na di ba?
kawadjan: tapos pagpasok mo pa talaga ng gate mismo eh may nagche-check na naman ng boarding pass using paper and pen! at tatlong tao ito ha! may taga tanggap ng boarding pass na bibilugan ang boarding pass mo. mega encircle sya ng mga numbers sa boarding pass.
kawadjan: tapos yung isa she will write your seat number sa isang matrix at guguhitan nya ng highlighter ang matrix. at yung isa eh taga-turo kung saan ang gate, eh nasa gate ka nga mismo.
kawadjan: gosh, nahilo ako ha. i swear, feeling ko nasa divisoria ako. ang daming nagkalat na empleyado doing the most mundane things on earth.
Miss Aruba: clap clap clap clap
Miss Aruba: para syang isang malaking SM store
kawadjan: i could only imagine what the foreigners would think of our airport.
kawadjan: anyway, mas kawawa ang mga pinoy kase ang susungit daw minsan ng mga taga immigration, although i noticed, and in fairness, mababait naman sila, incompetent nga lang.
kawadjan: ay don't get me started on the dept store sa atin. parang sa landmark. may nagsusulat ng order mo na ilalagay nila sa invoice. tapos ipapasa ka nila sa cashier who will scribble all these things sa invoice tapos she stamps it with these things and runs them through a small printer na ewan.
kawadjan: ang daming seremonyas!!!! di ko makuha. i wonder what happened to the computers. tapos may taga-balot pa talaga!!! as in tatlo sila sa kahera. di ko makuha baket
Miss Aruba: kasi nga, may surplus ng labor. lahat pwedeng magka trabaho
kawadjan: sabagay nga no?
kawadjan: oh well, sorry ha nagtalak ako. ma-post ko nga to sa blog ko.
kawadjan: hmp
7 comments:
hi kawadjan d one d original miss bangCOCK! nalowkah naman daw akeshi sa iyong NAIA experience. pero at least kahit papano di ka masyadong nagtaray dahil in the end ikaw rin ang nagwagi. kaya sis sa susunod kumuha ka ng certificate sa embahada natin para di ka na magbayad ng Pesos 1,620 ba yun na travel tax...one or two hundred na lang babayaran mo sa susunod for processing fee nila. ako rin, in my 10 solid years working abroad, never akong naging member ng POEA na yan at OWWA. at ang airport natin sinabi mo pa, at take note ang landmark dapat they should be more environmental friendly na by not using that stupid voucher...ciao!
you know that waiting area for families and friends waiting for their loved ones... the one opposite the arrival extension area.... dati may bayad yun.... 35pesos... kainis d bah.... one time tinalakan ko yung gurl na naniningil "at bakit may bayad? eh ang chaka chaka ng waiting area na to?" nagsumbong sa gurad ang potah hindi ako pinapasok.... hahahahahaha....
buti nalang wala ng bayad ngayon...
at dahil disabled ang post sa succeeding post, i want to grate you an hbd, dahling.
the pics, j'adore. lavset, gurl.
hahahahaha, the wig aint just right. there are better things.
(haha, and i remember THAT tee!)
MotR: gosh, salamat at chinika mo yan sa akin, di ko knows eh. or tamad lang talaga ako. about the airport... it's a total disaster.
yj: ay mabuti tinalakan mo. sometimes talaga they deserve some attitude. anong kalokohan yang may bayad sa waiting area, aber?
Hello... ning!
Actually that happens in the Manille airport, and my worst experience was five years ago when they made it soooo difficult for moi as well, considering ha that i hold na a different passport - so tinaga ko sa bato not to go through NAIA by all means... the Davao International Airport is much much better so when I cum and visit, I normally take Singapore Airlines and Silk Air... the airport in Davao is smaller, and yet modern and less people power annoyance... they even call me madam!!! So next time - - fly Singapore airlines and you have ample of time to just relax and retouch your makeup!!!
Bakit disabled ang comments sa baby pictures? Parang kambal, the first photo! Ang cute cute, muy guapa the succeeding photos but I agree, you look like you were ravished in that wig photo, di bagay, para dinaanan ng bagyo or something :)
But kainis talaga sa NAIA natin, clueless talaga karamihan na nasa NAIA na merong di dumadaan sa POEA na legal pa rin. They need to do a major revamp and briefing talaga. Anyway, welcome back! Bangkok surely missed your luminous presence :) :)
Jase: The best thing is they call you madam in Davao! Winner! I'd think about your suggestion. Di kase ako taga-Davao eh. Ending ko pa rin Suriname... este Surigao.
Lynette: Mismo. Major skills upgrade ang kailangan ng mga taga NAIA and POEA.
Post a Comment