Saturday, October 04, 2008

Ang Pagkakalat

Uy pagbigyan nyo na ako. First time kong susubukang magsulat ng full-blown Tagalog post kase gusto kong mag reach out sa masang Pilipino. Choz! Sa totoo lang, sinulat ko to sa Wikang Pambansa di dahil huli na ako sa pag-celebrate ng Linggo ng Wika ngunit para di maintindihan ng mga taong kasali sa usapang ito (tang ina, nagbabasa cya ng blog ko). Pasensya na ha, Surigaonon talaga ang kinalakihan kong lenguahe kaya di ko na hahangaring perpekto ang Tagalog ko.

Goodness! Grabe the night that was! Nagkalat lang naman ako. Kailangan ko lang isulat ang nangyari kagabi habang sariwa pa ang mga alaala di ba? Pero I swear, nakakahiya ito. Keber na. Babasagin ko na ang aking katahimikan, sabi nga sa The Buzz.

Nagsimula ang Biyernes ng gabi ko sa pakikipagsalo sa isang Pinoy restaurant kasama si Bubbles at si Margarita Moran. Lafang ng dinuguan, adobo, monggo, at turon. My god, I swear tumaba ako kagabi. Pagkatapos maubos ang tatlong bote ng Red Horse mega flylaloo kami ni Bubbles papuntang Silom. Lilipad na kase sa Singapore ang aking matalik na kaibigan, kapamilya, kapuso, kahati, ka-echosan, kachoka, at kakampi na si Bubbles kaya nilulubos nya ang kanyang mga huling araw dito sa BangCock. Besides, kaarawan nya bukas kaya mega paint the town red ang moda ng Bayot from Panggasinan. True, bente anyos na si Bubbles bukas, paki-bati naman cya sa lahat ng radio stations sa Pinas beh.

Ok, di birthday ni Bubbles ang point ng post na itechewa.

The point is, nakasalubong ko sa loob ng pook inuman (tang ina, ano ba to sa Tagalog?) si Cream-O. Sorry kung yun ang pinangalan ko sa kanya, yun kase ang breakfast ko today eh kaya yun ang una kong nakitang pakete sa harap ko. Hemmingway, flyaway, si Cream-O ang dati kong ka-echos noong panahon pa ng Hapon.

Kung sinusubaybayan nyo ang blog na itechewa, marahil napapansin nyo syang binabanggit ko ng madalas noong mga unang buwan ng taong ito hanggang bigla na lang syang tuluyang naglaho sa blog ko. Ang katunayan, medyo nakakatuwa rin ang nangyari sa amin na gusto ko sanang isulat dito pero dahil nagbabasa nga cya nito eh iniwasan ko na lang na banggitin cya.

Matagal-tagal ko ring kinimkim ang mga sakit ng loob ko sa kinahihinatnan ng aming ka-echosan at sa kalaunan ay mega umusad na rin ako at bumalik na ulit ang kinang sa aking mga mata. Salamat sa Covergirl cosmetics. Choz.

Hemmingway, kagabi nga nag-krus ang aming mga landas. Kasama nya ang dati nyang kalaguyo na kasama rin ang dati nyang kalaguyo. Shades of: "Ikaw pala. Ikaw pala ang asawa ng asawa ko na asawa ng buong bayan" di ba? Winnur! Actually, kilala ko itong dating kalaguyo nya at medyo chika kami. Di cya tagarito at bumisita lang kaya nilabas ni Cream-O. Keri naman ang gabi, chika dito, chika doon. Kaya nagsama na kami sa isang sulok ng inuman kung saan talagang naka-focus ang spotlight sa amin.

Nakabunggo ko ang aking mga kaibigang Pinoy, katutubo, at mga banyaga. Parang andun lahat ng delegates ng United Nations, kasama ang mga emerging countries (thanks to their never-ending fight for autonomy) at submerging countries (thanks to global warming no). Di ba Gibo? So hayun, mega inom akez ng mga nakakalasing na inumin habang wino-werk ko ang crowd. Kaway dito, kaway doon. Beso dito, beso doon.

In fact nakikipaglandian pa ako sa aking bagong nakilalang titi na mamamayan ng isang bansang kasapi noon ng USSR. Eastern bloc, sabi nga ni Fuchsiaboy, kung saan nangagaling ang mga Supermaos of late. Anyway, ichichika ko ito next time kase parang may kilig to the bones ang titing to. Sabay hawi ng hair.

Ay, saan na ba akez?

So yun, chika galore with Cream-O, wala namang tension although of course iba na ang pakikitungo namin sa isa't isa kase nga di naman talaga malinis ang pagtuldok ko sa echosan namin. Ok, judge me. Now. Na.

So yun, drinkaloo galore akez and obviously nalasing ako no. Ang susunod kong napansin ay nagtagpo ang mga daliri namin ni Dakota Fanning (ibahin natin ang pangalan nya at baka mahalata no). Tapos yun nagyakapan na kami ng mahigpit. Tapos bulong ko sa kanyang tenga na matagal ko na cyang iniisip (shucks, di ko alam kung paano sabihin sa Tagalog). Tapos yun more yakapan. Pasensya na mega lasing na talaga ako at this point kaya super labo na ang aking alaala.

Tapos bigla na lang akong umiyak sa harap nya. And I'm not talking about hikbi or pagpatak ng luha sa kaliwang mata. No no no. Di ako si Jacklyn Jose. I'm talking about hagulhol with matching panginginig ng aking balikat at hiyaw. Dahling, I'm talking about Joel Torre nung pumasok cya sa bahay nya galing abroad at nakita nya ang kabaong ng kanyang pamilya sa kanilang sala. I swear. Ito ang acting na Vilma Santos na may pinaghalong Maricel Soriano, at sige, ipasok na rin natin si Elizabeth Oropesa.

And remember, nakatutok ang mga ilaw sa kinatatayuan namin. Di ito biro. Nung napansin ko ito, mega takbo ako from the ilaw portion papunta sa likod ng poste kung saan medyo madilim. Sumunod si Dakota Fanning. Mega breakdown na naman ang Bayot from Surigao doon. I swear, di ko pa nakita ang sarili ko na umiyak ng ganon ka over-the-top. And I have to reiterate na lasing na ako ok?

Hemmingway, di ko talaga maalala kung ano ang reaksyon ni Dakota Fanning nung, doon ulit sa likod ng poste, mega niyakap ko cya at humagulhol sa kanyang balikat. Naalala ko lang na naamoy ko ang kanyang pabango. Ang daming alaala ang biglang yumanig sa aking pagkatao (waaaah... makata na ba?) Inamoy ko sya nang inamoy habang mega hagulhol on the side and making sure na maganda ang kuha ni Direk kase mahirap nang mag take two no. Tapos bigla na lang akong humingi ng tawad sa kanya. Yun lang naman ang gusto kong sabihin ng sobrang tagal na at bigla na lang itong lumabas sa bibig ko. Humingi ako ng tawad sa pagtakbo sa kanya nang walang paguusap. My words exactly, in English of course. Di ko narinig kung ano ang sagot nya, kung sumagot man ang manhid na yun.

Tapos mga bakla lumabas ang pagka Manny Pacquiao ko no. Sinuntok ko cya nang sinuntok sa kanyang dibdib. Di naman suntok na maton. Yung suntok na pambabae ba. Haler, bading ako. I'm sure you have an idea how it looks. Sinuntok ko sya nang sinuntok. Sinabi ko na ikinamumuhian ko sya. I swear. Di ito biro. Tapos yun, run away na sya. Siguro napalakas ang suntok ko no. Kawawa naman.

Tapos pasok si eksena si Bubbles at mega hagulhol na naman ako sa kanya. Girl, salamat. Salamat sa pagalaga sa akin kagabi. My god, saan na lang ako pupulutin kung wala ka. Tang ina, tapos lilipat ka pa ng Singapore. Puki mong green!

Hemmingway, run ako sa ikatlong palapag ng pook sayawan. Ang ganda ng effect ng train ng gown ko sa grand staircase nila. At doon ko nakita ang aking mga amingang may puke. Mega hagulhol na naman ako sa kanila. Mga Pinay ito sila. Di nila alam kung anong nangyari sa akin. Sabi ko nahulog ko ang aking false eyelashes.

Yun pala magsasara na ang lugar. Lumabas na kami habang namamaga ang aking kamatahan at nagkalat ang aking mascara. Shet, dapat kase waterproof eh. Inaalalayan ako nina Bubbles and the Belats. Mega yuko ako no kase haler pinapalibutan ako ng creme de la creme ng sangkabadingan ng BangCock. My god, nakakahiya ang ginawa kong pagkakalat doon. Like di na muna ako bibisita doon sa loob ng isang siglo. Di to biro.

Pinasakay ako ng taxi at doon mega hagulhol pa rin ako. And we are talking about a twenty-minute ride to my place ha. All the way mega hagulhol ako. Sorry, di talaga ito iyak ang pinaguusapan natin. As in literally hagulhol ito. Naiskandalo ang driver at mega tanong sya kung anong nangyayari sa akin. Eh di naman nya ako maintindihan no. Tsimoso pa sya. Tse!

Akyat ako ng gate ng opisina/bahay ko habang humahagulhol. Sumakay ako ng elevator at humahagulhol habang nakahandusay sa dingding. Naghubad ako ng aking Jean Paul Gaultier na gown habang humahagulhol. Tapos humiga ako sa kama. In Fairview Quezon City, nakatulog kaagad ako. Tapos naalala ko na lang ang aking performance kagabi nang pagising ko na. Kaya sabi ko dapat ko tong isulat.

14 comments:

fuchsiaboy said...

hugs!

puke mo kaya pala may asim ka kapag sinasabi ko ang pangalan nya. sabi ko na nga ba eh, di mo pa talaga sya nabitawan.

iba talaga ang drama na nadadala ng Jean Paul Gaultier spring/summer 2009 gown. paired with DP 2008 shoes, you werked it na naman girl.

sa buhay ng isang socialite like you kailangan may ganyang mga drama para naman 2 hours anniversary special talaga yan sa Maalaala Mo Kaya.

ok, pa dry clean mo na yung gown, maglagay na ng la mer sa mukha para ma rehydrate ito, palitan ang bedsheet na nadumihan ng iyong maybelline, sunugin ang lahat ng damit mo na off season lalong lalo na yung mga ginamit mo sa dates nyo, at ikandado ang chapter ng buhay mong ito pansamantala.

matutuwa ang mga taga-Cannes nito sa acting mo. Bravo!

bananas said...

quote--nakahandusay sa dingding--unquote

na-imagine taka teh. hahahahha...hala uy. naghilak gyod ka teh? guol ka karon?



gakos gikan kang bananachoked

jericho said...

bakla, alam ko drama yung kagabi pero nalokah pa rin ako sa kwento mo. hahaha. sa haba ng iyak mo eh dapat eh sahara dessert na ang tear glands mo! ;)

The Dork One said...

wow full blown tagalog article! you should do this more often nakakatuwa eh!

btw kawadjan a little request can you replace my url leviuqse.blogspot.com (retarded's notebook) into www.retardedsnotebook.com

salamat!

the boomerang kid said...

ultramegasuperbreakdown?

hope you're feeling better na...

at least, maga man ang mata... maganda ka pa rin...

[G] said...

moral lessons:

1. tiyakin na hindi avon o maybeline ang make-up, para walang smudge kahit umiyak ka ng 24 hrs

2. hindi dapat masyadong mahaba ang train ng gown, mahirap tumakbo

3. train with manny pacquio, para pag umbag mo, KO kaagad si cream O

4. stop watching tagalog movies except island of desires. dapat ganun, subtle ang acting.

5. wag magkimkim ng sama ng loob, iutot kaagad ito para wala kang kabag.

Quentin X said...

Ka-iyat sab nimo, Bayot. Kay uman nagbuyag man sab kamo? Umay sab imo taghajahajaan na bagan kahamok iton imo mga kauyaban did-on (case in point, Eatern Bloc man, which I imagine to be ala-Bel-Ami)?
Balitaw, put on a smile and hold your chin up. Just like a kawadjan, sway with the storm. There's plenty more fish in the sea.

id said...

nakaka-lerky! i had so much fun reading this, na-deadma ko ang One More Chance sa Cinema One kakahagikhik ko dito.

Bryan Anthony the First said...

umakyat ka ng gate? cat woman itu

woof!

Gayzha said...

We really do make a fool of ourselves - in the name of LOVE!

But its worth it !!!

Unknown said...

OMFG sa tagal ng pagsasama natin, kahit nung gusto na kita i-rape di ka umiyak ng ganyan. anong drama itoh ha!? diba bawal mag cry over a guy/gay/whatevs?

okey, ngayong tapos na ang show mag retouch na ng make-up at maghanap na ng iba. CLOSED na ang chapter ng librong yun. Bow.

Anonymous said...

grabe man katagalog yot...hahahaha mwah!

kawadjan said...

hi girls! thanks for your comments. tama, let's close this chapter, shall we?

nurturer said...

i wish i was there para sana binigyan kita ng magasawang sampal. you gave me permission to make sabunot you if you fall out of line di ba? but then, mahal ang hot oil kaya sagpa na lang.
just remember " this too, shall pass.
as ever, dito lang ako. ILY and take care always.

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin